Huwebes, Setyembre 28, 2017

BIGBANG G-Dragon MOTTE x Taeyang White Night in MANILA!!!

Setyembre 2017 naganap ang concert ng dalawang miyembro ng grupong BIGBANG dito sa Pilipinas! 

Ika-1 ng Setyembre bumisita ng bansa ang lider ng BIGBANG na si G-Dragon at Ika-22 naman ng Setyembre bumisita ng bansa ang isa pang miyembro ng BIGBANG na si Taeyang!

Halos 20 araw lamang ang pagitan ng kanilang concert na parehong ginanap sa loob lamang ng isang buwan.



Ang concert ay parehong ginanap sa Smart Araneta Coliseum ganap na Alas-8:00 ng gabi.



G-Dragon "Act 3: M.O.T.T.E 
(Moment of Truth The End)"

Tignan ang mga litrato sa ibaba:







Si Sandara Park ay espesyal na guest ni G-Dragon sa kanyang concert sa Manila. 




Nagperform silang dalawa sa Stage ng kantang "Missing You" at ang pinaka inaabangan ng lahat na duet song nilang "Hello" na 7 taon na ang lumipas nang huli nilang i-perform ito.




Laking surpresa narin nang kasama parin ni G-Dragon si Sandara Park sa kanyang Encore Stage!




Tignan ang mga video sa ibaba:


Kaganapan noong Sound Check na perk lamang ng mga VIP Ticket Holders



G-Dragon - Superstar mula sa kanyang album na "Kwon Ji Yong"



G-Dragon - Bullshit "Kwon Ji Yong" Album


Para sa kabuuang playlist ng mga video, magtungo sa link na ito >>> G-DRAGON MOTTE in Manila VIDEO PLAYLIST



Taeyang "White Night" in Manila


Tignan ang mga litrato sa ibaba:





Kinanta ni Taeyang ang mga kabilang sa bago niyang Album na "White Night".




Laking tuwa narin ng mga Fans nang kantahin nito ang kanta ng kaniyang grupo na BIGBANG kagaya ng Bang Bang Bang at Fantastic Baby!



Kilig na kilig ang lahat nang magtagalog si Taeyang at sabihing "Salamat sa pagpunta!".






Tignan ang video sa ibaba:


Taeyang version ng Last Dance ng grupo niyang BIGBANG


Taeyang - Break Down, Good Boy at Stay with Me



Para sa kabuuang playlist ng mga video magtungo sa link na ito >>> TAEYANG White Night in Manila VIDEO PLAYLIST




(some photos credit to my concert buddy Francis Dela Cruz)



Espesyal ang concert na ito sa lahat ng Fans dahil napagalaman na nagbabalak na sabay sabay papasok ng military ang 4 na miyembro ng BIGBANG kabilang na sina Daesung at Seungri sa susunod na taon.





yours truly ^^,

Miyerkules, Setyembre 27, 2017

WANNA ONE, nagwagi sa Mwave Music Chart ngayong Setyembre!!!

Ang kanta ng WANNA ONE na Energetic ang nagwagi bilang numero uno sa Mwave Music Chart ngayong buwan ng Setyembre!!!



Ang  WANNA ONE ang sumunod na K-pop group na natala sa Mwave Music Chart Hall of Fame

Kabilang na dito ang Winner (Really Really) noong Hunyo, T-Ara (What's my name?) noong Hulyo at EXO (Ko Ko Bop) noong Agosto.




Ang botohan ay naganap noong Ika-6 ng Setyembre hanggang Ika-26 ng Setyembre 2017 24:00 (KST)

Mula sa 30 na kanta / kpop artists na nominado ay WANNA ONE ang nakakuha nang 47.3% sa kabuuang boto o nagkakatumbas na 1,417,379 bilang ng mga boto mula sa fans sa iba't-ibang panig ng mundo.


Para sa detalyadong resulta magtungo sa listahan sa ibaba:








Piliin ang Global NO.1 K-POP BEST of the BEST sa pamamagitan ng iyong pagboto!

Makilahok sa pagboto! Suportahan mo na ang k-pop group/artist na iyong gusto.


Kahit sino ay maaring bumoto! Para bumoto magtungo lamang sa link na ito >>> VOTE! VOTE! VOTE!

Malapit nang magumpisa ang botohan para sa buwan ng Oktubre! Sino kaya ang kahuli hulihang k-pop group/artist na magwawagi at mapapabilang sa Mwave Music Hall of Fame!?

Abangan sa site mismo ng Mwave =)

(all photos credit to Mwave)




yours truly ^^,

Miyerkules, Setyembre 20, 2017

WANNA-ONE bibisita sa Pinas!!!

Ika-20 ng Setyembre ng mag-anunsyo ang lokal na promoter sa kanilang opisyal na "Facebook page" na; ang grupong WANNA-ONE ay bibisita sa Pilipinas para sa kanilang kauna-unahang "Fanmeeting" sa bansa!

photo credit to IME PH


Ang "WANNA-ONE 1st Fanmeeting in Manila: Wanna Be Loved" ay gaganapin sa Ika-13 ng Oktubre, 2017 sa Smart Araneta Coliseum alas 8:00 ng gabi.

Mahigit isang buwan pa lamang ang lumipas mula nang ang WANNA-ONE ay mag debut noong August 7, 2017 ngunit kasalukuyang kinikilala na sila hindi lamang sa Korea kundi sa iba't-ibang panig ng mundo.


Kilalanin ang WANNA-ONE sa mga video sa ibaba:


WANNA ONE - Energetic (MV)

credit to CJENMMUSIC Official Youtube Channel

WANNAONE - Burn it up (Debut Stage at MCountDown)

credit to Mnet K-POP official Youtube Channel

WANNABLES PH! Handa na ba kayong makita ang WANNA-ONE???



Ang South Korean boy band na Binubuo ng 11 na miyembro na sina:
- Kang Daniel
- Park JiHoon
- Lee DaeHwi
- Kim JaeHwan
- Ong Seong Woo
- Park Woo Jin
- Lai Guan Lin
- Yoon Ji Sung
- Hwang Min Hyun
- Bae Jin Young,
Ha Sung Woon
na nagwagi bilang ika-1 hanggang ika-11 sa Produce 101 Season 2 proyekto ng CJ E&M.

Huwag palagpasin ang pagkakataong ito na makita at makilala ang WANNA-ONE na nakatakdang mag promote hanggang Ika-31 ng Disyembre, 2018 lamang. Grupo na hawak ng YMC Entertainment at CJ E&M.



Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang nasa ibaba na nanggaling mismo sa lokal na promoter:



[WANNA-ONE 1ST FANMEETING IN MANILA: WANNA BE LOVED]
WANNABLES in Manila! Are you ready for the boy band that is taking South Korea and the rest of the World by storm?
Known for “surviving” an intense competition from 101 down to 11, WANNA ONE, has proven that they have what it takes to be the new sensation. Catch them live at the Araneta Coliseum for the 1st Fan Meeting on October 13, 2017 at 8pm.

➤ EVENT DETAILS:

EVENT: WANNA-ONE 1ST FAN MEETING IN MANILA: WANNA BE LOVED
DATE: 13/10/2017 (FRI)
TIME: 8:00 pm
VENUE: SMART ARANETA COLISEUM
TICKET PRICES: P12000, P9000, P7000, P5000, P3000
TICKETING: www.ticketnet.com.ph / Hotline (+632) 911-5555 / All ticketnet outlets in Philppines (for more information, please visit their website)
TICKET LAUNCH DATE: 24 SEPT 2017 (SUN) 12:00PM


photo credit to IME PH

➤ FAN BENEFITS
All VIP Ticket Holders will be entitled to:
◦ A Lucky Draw for a High Touch Session with Wanna One (500 Lucky Winners)
◦ A Lucky Draw for an Autographed CD of Wanna One (30 Lucky Winners)
◦ A Lucky Draw for an Autographed Poster of Wanna One (30 Lucky Winners)
◦ A Lucky Draw for an Exclusive Selfie Polaroid of Wanna One (22 Lucky Winners)
◦ Official Concert Lanyard for all VIP Ticket Holders
*There will not be any repetition in winners for the above fan benefits.
All CAT 1 Ticket Holders will be entitled to:
Official Concert Lanyard for all CAT 1 Ticket Holders
All Concert Ticket Holders will be entitled to:
Wanna One 1st Fan Meeting in Manila: Wanna Be Loved - Exclusive Postcard
*Official Concert Lanyard and Exclusive Postcard can be collected on the show day. More details regarding the redemptions will be announced closer to the event day on IME PH’s Facebook Page.
We look forward To Be One with you on 13 October 2017! 

(credit to IME PH)





yours truly ^^,

Huwebes, Setyembre 14, 2017

MAMA 2017, kumpirmadong gaganapin sa 3 bansa!!!

Kinumpirma ng CJ E&M na ang MAMA (Mnet Asian Music Awards) ngayong 2017 ay gaganapin sa 3 bansa!!! 


at ito ay sa mga sumusunod:

- Vietnam
- Japan 
- Hong Kong 

mula ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-1 ng Disyembre!



Kasunod ng paglawak ng Asia′s top music awards, MAMA WEEK ay inilunsad para pagsama-samahin ang MAMA na gaganapin nga sa iba't ibang lokasyon.




Ang MAMA 2017 ay magsisimula sa Vietnam′s Hoa Binh Theatre sa ika-29 ng Nobyembre  bago magtungo sa Japan′s Yokohama Arena ika-29 din ng Nobyembre at Hong Kong′s W Hong Kong sa ika-30 naman ng Nobyembre at tatapusin sa Hong Kong′s AsiaWorld-Expo Arena sa ika-1 ng Disyembre.



Ang pinalawak na MAMA mula sa dati na isang araw na seremonya ay gagawing "week long ceremony" na ngayon!



Lugar na kung saan ang lahat ay magkakaisa para sa musika! Ang CJ E&M ay magiimbita ng mga top Artists mula sa iba't ibang panig ng Asya. 



Samantala ang MAMA ay nasa ika-9 na taon na ngayon, ang top Asian music ceremony ng CJ E&M. Nagsimula noong 1999 bilang Mnet Video Music Awards and ginanap sa Korea hanggang 10 taon bago maging MAMA na inilunsad noong 2009. 2010, noong nagumpisa ang expansyon globally na ginanap sa Macau at Singapore noong 2011 at Hongkong naman mula taon 2012 hanggang 2016.



Ngayon taon ng 2017 ito naman ay makakarating sa Vietnam at Japan.





(All photos credit to Mwave)





yours truly ^^,

Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Bumoto sa Mwave Music Chart para sa buwan ng Setyembre!!!

Maaari nang bumoto para sa Mwave Music Chart ngayong buwan ng Setyembre!!!


Kahit sino ay maaring bumoto gamit ang mga sumusunod:
- CJ ONE ID or Email
- Facebook Account
- Twitter Account
- Kakao Account


Kada account ay maaring bumoto ng isang beses kada araw.

Piliin ang "Global NO.1 K-POP BEST of the BEST" sa pamamagitan ng iyong boto!!!

Ang botohan ay simula ngayong ika-6 ng Setyembre hanggang ika-26 ng Setyembre 2017 24:00 (KST).

Ang mga pagpipilian na kanta ay mula sa "TOP 10 tracks" sa M COUNTDOWN chart mula Agosto 2017 Week 1 hanggang Week 5


Ano pang hinihintay mo? Umpisahan mo nang bumoto ngayon! ^_^


Bumoto araw-araw at tanghaling isa sa Monthly Best Supporters na kung saan ay maari kang manalo ng 2017 MAMA Invitation Ticket o kaya naman ay Mwave Meet & Greet Ticket at mga Kpop Signed Albums.


Para bumoto sundan lamang ang link na ito: 
VOTE! VOTE! VOTE!

Makibahagi na sa pagboto para sa buwan ng Setyembre!
Suportahan mo na ang kalahok na gusto mo!


Para sa kabuuang listahan ng mga kalahok, tignan lamang ang nasa ibaba:

1. Star - BOYFRIEND
2. Where are you? - ClC
3. Can't Stop - DIA
4. Fly high - Dreamcatcher
5. Ko Ko Bop - EXO 
6. LOVE WHISPER - GFRIEND
7. Jelly - HOTSHOT
8. Tomorrow, Today - JJ Project
9. That Girl - Jung Yong Hwa
10. Hola Hola - KARD
11. Dobadoob (only u) - LABOUM
12. Kung Dari Sha Bah Rha - LIVE HIGH
13. the.the.the - LONGGUO & SHIHYUN
14. Freeze - MOMOLAND
15. The Real - N.Flying
16. We Young - NCT DREAM
17. ICE CHU - OGUOGU
18. WE LIKE - PRISTIN
19. Loop - Raina
20. Red Flavor - Red Velvet
21. Sixteen - Samuel
22. HELLO - Shannon
23. Gashina - SUNMI
24. DARLING - TAEYANG
25. I Got You - The EastLight
26. Hot Sugar - Turbo
27. UNBELIEVABLE - VICTON
28. Energetic - Wanna One
29. I don't like your Girlfriend - Weki Meki
30. LOVE ME LOVE ME - WINNER


Tignan ang kasalukyang ranking ng botohan ngayong unang araw ng botohan (Setyembre 6, 2017) ika-7:00PM (KST):












(All photos credit to Mwave)





yours truly ^^,

EXO ang nag numero uno sa Mwave Music Chart para sa buwan ng Agosto!!!

EXO ang ikatlong grupo na nakapasok sa Mwave Music Chart Hall of Fame!!! 

 

 Nag-umpisa sa WINNER "Really Really" TOP 1 noong Hunyo, sinundan ng T-ARA "What's my name?" noong Hulyo at ngayong buwan ng Agosto EXO "Ko Ko Bop" ang nagwagi at tinanghal na numero uno sa Mwave Music Chart!!!




Nakakuha nang halos higit sa kalhati ng kabuuang boto o 55.1% katumbas nang 2,927,585 boto ng mga tagahanga mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang botohan na ito ay naganap noong ika-3 ng Agosto 2017 hanggang ika-30 ng Agosto 2017 24:00 (KST)

Ang mga kanta na napasama sa pagpipilian ay binase sa TOP 10 tracks sa M COUNTDOWN chart mula sa Hulyo 2017 Week 1 hanggang Week 4.


Para sa kabuuang listahan ng mga kalahok, tignan ang nasa ibaba:

1. Remember - 9MUSES
2. FIVE - Apink
3. AS IF IT’S YOUR LAST - BLACKPINK
4. Why Don`t You Know - CHUNG HA
5. Ko Ko Bop - EXO
6. HERE I AM - HALO
7. Jelly - HOTSHOT
8. Gucci - Jessi
9. That Girl - Jung Yong Hwa
10. Hola Hola - KARD
11. Following - Kim Tae Woo
12. Rain - KNK
13. Kung Dari Sha Bah Rha - LIVE HIGH
14. Yes I am - MAMAMOO
15. SHINE FOREVER - MONSTA X
16. Cherry Bomb - NCT 127
17. Focus - Parc Jae Jung
18. Why, You? - Park Boram
19. Critical Beauty - PENTAGON
20. Red Flavor - Red Velvet
21. The Star Of Stars - SNUPER
22. Runner - UP10TION
23. ABC (Middle of the Night) - VAV
24. Crush On You - VOISPER
25. HAPPY - WJSN


Para naman sa kabuuang resulta ng botohan, tignan ang lista sa ibaba:







Maging parte sa pagpili ng Global NO.1 K-POP BEST of the BEST sa pamamagitan ng iyong boto!!!

Lahat ay maaring bumoto!!! 

Para bumoto sundan lamang ang link na ito: 
VOTE! VOTE! VOTE!

Bumoto araw-araw at tanghaling isa sa Monthly Best Supporters na kung saan ay maari kang manalo ng 2017 MAMA Invitation Ticket o kaya naman ay Mwave Meet & Greet Ticket at mga Kpop Signed Albums.

Makibahagi na sa pagboto para sa buwan ng Setyembre na maguumpisa sa mga susunod na araw!


(All photos credit to Mwave)





yours truly ^^,