Martes, Oktubre 17, 2017

BTS "DNA" numero uno sa Mwave Music Chart ngayong buwan ng Oktubre!!!

Pagkatapos ng 16 na araw na botohan na naganap sa site mismo ng Mwave, ang grupo na BTS ang nagwagi at nag numero uno sa Mwave Music Chart ngayong buwan ng Oktubre!

Ang kanta nilang DNA ay nakatanggap ng halos 50% ng kabuuang boto o 17,377,282 na boto mula sa iba't-ibang panig ng mundo!

Naganap ang botohan mula ika-1 ng Oktubre hanggang ika-16 ng Oktubre 2017 24:00 (KST).

Mula sa 25 na K-pop group/artist na nominado na nagmula sa TOP 10 tracks sa M COUNTDOWN chart noong Setyembre 2017 Week 1 hanggang Week 4; ang BTS "DNA" ang nanatiling numero uno sa nasabing botohan dahilan na sila'y mapabilang sa Mwave Music Chart Hall of Fame

Ang BTS at ang kanta nitong "DNA" mula sa kanilang bagong album na Love YourSelf : HER ang nagwagi ngayong buwan ng Oktubre at ang huling bumuo sa Mwave Music Chart Hall of Fame

Kabilang na dito ang mga sumusunod:

WINNER "Really Really" ang nagwagi noong Hunyo

T-ARA "What's my name?" noong Hulyo,

EXO "Ko Ko Bop" naman noong Agosto

at WANNA ONE "Energetic" noong Setyembre.




Para sa detalydong resulta ng botohan na naganap, 
tignan ang listahan sa ibaba:









(all photos credit to Mwave)






yours truly ^^,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento