Miyerkules, Oktubre 25, 2017

Pagboto sa MAMA 2017

[ 2017 MAMA o Mnet Asian Music Awards ]


Lahat ay maaaring bumoto 
"araw-araw ng isang beses kada account" 
sa MAMA simula:

Huwebes, Ika-19 ng Oktubre 18:00 (KST)
hanggang
Martes, Ika-28 ng Nobyembre 24:00 (KST)



Nakaboto ka na ba? Paano nga ba bumoto? Alamin at basahin ang mga sumusunod =)




Para bumoto magtungo lamang sa link na ito: 


1) Pumunta sa MAMA web page, pagkatapos ay pindutin ang "SIGN-IN".







2) Pumili sa mga sumusunod na "ACCOUNT" ang meron ka na pwede mong gamitin sa iyong pag "SIGN-IN". Maaring gamit ang iyong account sa KAKAO / LINE / GOOGLE / Twitter / Facebook / Weibo / Naver / Tumblr / Instagram.






3) Para ma-REGISTER ang iyong ACCOUNT kinakailangan mong gawin ang mga sumusunod:
Pagpayag sa Mwave Terms of use, Pagpayag at pahintulutan ang Mwave Privacy Policy at pindutin ang JOIN. 







4) Sagutan ang mga sumusunod na inpormasyon para ma-REHISTRO ang iyong ACCOUNT, na gagawin mo lamang sa una/isang beses. Punan ang iyong taon ng kapanganakan, kasarian at bansang kasalukuyang tinitirhan at pindutin ang SUBMIT. 





5) Pagkatapos ng SUCCESSFUL na pag REHISTRO maari ka nang mag-umpisa sa iyong pag-BOTO. Pindutin lamang ang GO & VOTE NOW.






6) Para bumoto pindutin lamang ang iyong ARTIST/GROUP na napili at pindutin ang SELECT.






7) Bumoto sa lahat ng kategorya hanggang sa lumabas ang ganitong pahina REVIEW YOUR CHOICE patunay na natapos mo na ang buong kategorya. Kung final na ang iyong desisyon maari mo nang i-click ang SUBMIT VOTES para maipasa na ang iyong mga boto.





8) Mayroong lalabas na CAPTCHA kinakailangan mo lamang ilagay ang CODE na ipinapakita at i-click ang SUBMIT.





9) Pagkatapos ay lalabas ang mensahe na THANK YOU FOR VOTING! katunayan na pumasok na ang iyong mga boto i-click lamang ang OK.




10) Ito ang huling lalabas na mensahe. Maari mong malaman ang kasalukuyang resulta ng botohang nagaganap pindutin lamang ang CURRENT RANKINGS na makikita sa ibaba.











(all photos credit to Mwave)








yours truly ^^,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento